Tungkol sa UTOS

Bangon tayo, sama-sama.

Hindi lang delivery app ang UTOS. Ginawa ito para may pagkakakitaan ang kahit sinong Pilipino, para hindi ka na lumabas para sa isang pirasong bagay, at para gumaan ang buhay ng mga may tindahan sa kanto.

Bakit namin ginawa ang UTOS

Tatlong dahilan. Tatlong klase ng tao na gusto naming matulungan.

Para sa mga gustong kumita

Basta may cellphone at data ka, may trabaho ka na.

Maraming kababayan natin ang gustong magtrabaho pero walang mapasukan. Walang diploma, walang degree, o walang puhunan. Sa UTOS, kahit sino ay puwedeng maging rider at kumita. Hindi kailangan ng motor: puwede kang maghatid nang naglalakad, naka-bisikleta, e-bike, o motor, sa loob mismo ng barangay mo.

Maliit man tingnan ang kita sa bawat hatid, malaking bagay ito para sa tambay na gustong magbago, sa estudyanteng nag-iipon, o sa magulang na kailangan ng dagdag na kita. Ikaw ang may hawak ng oras mo. Mag-online kapag handa ka, at buo sa iyo ang tip.

Para sa mga nasa bahay

Isang piraso lang? I-UTOS mo na.

Pagod ka man, busy, may sakit, may binabantayang bata, o talagang ayaw mo lang lumabas, hindi mo na kailangang magbihis at maglakad papunta sa tindahan para sa isang sachet ng shampoo o dalawang itlog. Mag-UTOS ka lang, at ihahatid sa pinto mo ng rider na taga-rito rin.

Walang minimum na dami. Kahit isa o ilang piraso lang, puwede.

Para sa mga may tindahan

Mas madali ang tindahan, mas maraming suki.

Ang sari-sari store at tindahan sa kanto ang puso ng bawat barangay. Gusto naming tulungan silang lumaki, hindi palitan. Sa UTOS, makakabenta ka kahit hindi pumupunta ang customer sa tindahan mo, at may rider na maghahatid para sa iyo.

  • Kita mo ang stock ng bawat paninda, pati kung ano ang ubos na
  • Kita mo ang benta ngayong araw at ang mga pinakamabenta
  • Wala nang listahan sa papel. Nasa cellphone mo na ang lahat.

"Hindi kailangang malaki ang simula. Basta tulong-tulong, aangat ang buong barangay."

Ang nagtayo ng UTOS

Sumali ka na

🛵 Maging riderKumita sa sarili mong oras 🛍️ Mag-order20% off sa unang UTOS mo 🏪 Ipasok ang tindahanLibre ang pag-lista ng paninda